A Travellerspoint blog

Walang Hanggang Pasasalamat

02.18.2010

Last February 18, 2010 my Mom celebrated her 50th Birthday. Sayang nga dahil ang plano sana naming ibigay na regalo is to tour her to Thailand, kaso nagkaproblema naman sya sa pagkuha ng passport.

So Plan B kami, ito ay ipaghanda talaga si Mama na parang debutant. Complete with Roses, Candles, Wishes, Symbolic Gifts, etc. Sabi ko todo na namin ang celebration.

1m1.jpg

December na when I started planning for the event. Almost 2 months na lang yata before the Big Day. So I exerted all my effort to make the celebration special. Buti na lang I have friends who offered their help for the celebration. Merong nagvolunteer to confirm guests, make the AV Presentation, Emcee, etc. Buti na lang yung brother ni Mama may catering business kaya kahit papaano naka discount kami.

January nakapagpareserve kami ng venue, yung Gazeebo sa Caloocan City Hall. Sobrang contented ako sa venue dahil bukod sa spacious maganda at mahangin dahil may garden. So akala ko all is ok na. Pero last week ng January ang sabi hindi daw pwedeng gamitin ang gazeebo dahil gagamitin sa activity ng Mayor's Office (so me laban ba ko nun...). After that, sobrang nakakapagod talaga ang maghanap ng alternative na venue. I checked restaurants, gardens, and some function halls but none of them ang napili ko. Until nakita ko yung Gee Bee Party Suite.

Pagkakitang pagkakita ko ng venue na yun, I asked dun sa caretaker "Saan ako magdodown for reservation." So to cut the long story short, yun na ang final venue ng party ni Mama.

Kinailangan ko nga na magleave sa office for a week para sa mga last minute preparations. Ginawa ko yung souvenirs, naglayout kami ng tarpaulin, order ng cake, practice ng sayaw, kinausap yung emcee etc.

Dumating ang Big Day ni Mama. Kitang kita ko kung gaano kasaya ang Mama ko nung araw na yun. Sabi nya nga, kung kelan daw sya tumanda dun pa sya nagdebut. Andun halos lahat ng mga kamag-anak namin at mga malalapit na kaibigan ni Mama.

9m2.jpgThe Catering
7m4.jpgThe Debutant
1m5.jpg

Ang naging theme ng celebration ay "WALANG HANGGANG PASASALAMAT" ito ang title na naisip ko para sa tulang ginawa ko para sa mama ko at gusto ko din syang i-share sa inyo:

WALANG HANGGANG PASASALAMAT

SA MUNDONG IBABAW IKAW ANG SA AMIN AY NAGLUWAL
KAMI'Y DINALA NG SIYAM NA BUWAN SA IYONG SINAPUPUNAN
KAMI'Y INARUGA MO AT BINUSOG SA MGA PANGARAL
NG SA GAYO'Y MAGING HANDA KAMI SA ANUMANG HAMON NG BUHAY

SA MGA UNANG HAKBANG NAMIN IKAW ANG TINATANAW
MGA BISIG MO NG SA AMIN AY NAGHIHINTAY
SA UNANG PAGBIGKAS NAMIN NG "MAMA"
NADAMA MO ANG KALIGAYAHANG WALANG KAPANTAY

KAMI'Y INIHANDA MO SA AMING PAG-AARAL
HINDI ALINTANA ANG HIRAP NG ATING BUHAY
LAGING SINASABING PAG-AARAL NAMI'Y TALAGANG IGAGAPANG
SAPAGKAT ITO ANG PAMANANG SA AMI'Y HINDI MANANAKAW

NAGING TINDERA, ALAHERA, AT KUNG ANU ANO PA
KOMIKS, FISHBALLS, ALAHAS, AT MERYENDA
ILAN LAMANG YAN SA MGA NAGING RAKET NI MAMA
NG SA GAYON AY MAKATULONG SA KINIKITA NI PAPA

MARAMING PAGSUBOK ANG PINAGDAANAN NG AMING PAMILYA
NGUNIT NANATILING MATATAG AT MATIBAY SI MAMA
SANDATA NIYANG LAGI KANIYANG PANANAMPALATAYA
IKA NGA NI SANTINO "MAY BUKAS PA"

KAYA NAMAN KAMI AY NAGSUNOG NG AMING MGA KILAY
AT NAG-ARAL NG LEKSYON SA PAARALAN
ANO PA NGA BA ANG KINAHITNATNAN...
HETO KAMI'T NAKAPAGTAPOS NA NG AMING PAG-AARAL

MAMA IKAW AY AMING MAHAL NA MAHAL
MGA SAKRIPISYO AT PAGHIHIRAP NA IYONG PINAGDAANAN
AY HINDI KAYANG TUMBASAN NG KAHIT ANUMAN
KAYA NGA "WALANG HANGGANG PASASALAMAT ANG SA IYO'Y ALAY

SALAMAT MAMA SA IYONG PAGSUBAYBAY
SA BUHAY NA KALOOB SA AMIN NG MAYKAPAL
SALAMAT SA DIYOS DAHIL IKAW SA AMIN AY IBINIGAY
IKAW ANG "THE BEST MAMA" DITO SA MUNDONG IBABAW

Kumpleto rekados ang debut ni Mama. Me sumayaw, kumanta, nagbasa ng sulat, tumula, umiyak, etc. Sa pagtatapos ng gabi ng nagpasalamat na si Mama, para syang nanalo ng Award sa FAMAS. Alam namin na sobrang saya niya nung araw na iyon.

5m3.jpgWE LOVE YOU MA!

Alam namin na kahit sa munting paraang naisip namin ay napasaya namin si Mama. Hindi man ito sapat, alam namin kahit papaano ay naipaalam namin sa kanya ang aming "walang hanggang pasasalamat" sa kanya. We love you Mama!!!

Posted by drahcir07 12:40

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

ahaaay sobrang sweet. *like like like* :)

by unicaizy

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Login