The Place of Sta. Rita di Cascia
Patron Saint of Lost and Impossible Causes, sickness, wounds, and marital problems
13.09.2010 0 °C
St. Rita of Cascia is one of the famous and favorite saints in the Catholic Church. She was one of the few saints that has stigmata (bodily marks, sores, or sensations of pain corresponding to the crucixion wound of Jesus). St. Rita is the patron saint of lost and impossible causes, sickness, wounds, marital problems, abuse, and mothers.
Summer of 2007, I decided to visit Roccaporena in Umbria, Italy, the place of St. Rita. Hindi ganun kalayo yung place from Rome, I think 2 hours lang yata ang travel time from Rome. The day before the scheduled date of travel bumili na ako agad ng ticket dahil sabi ng friend ko madami ang pumupunta dito. Tama nga sya dahil, the next day pagdating ko sa bus station sobrang dami ng tao, yung iba chance passenger na lang. All seats taken ang nasakyan kong bus. Umalis ang bus ng 6:30 from the bus station at nakarating kami ng Cascia almost 9am na yata.
Before our departure to Umbria, Italy
Pagbaba ko ng bus napansin ko na agad na sobrang tahimik, ibang iba sa maingay na kapaligiran sa Rome. Sobrang accomodating ng mga tao. Bumungad agad sa akin ang pagbati nila "Ciao!...Buon Giorno...Benvenuto!!" Hindi ako nahirarapang hanapin ang mga lugar na dapat puntahan dahil sa mababait naman ang mga tao dun, so kung medyo di ka sigurado sa pupuntahan mo magtanong ka lang.
Unang pinuntahan ko ang Church kung saan makikita yung body ni Sta. Rita. Kung architectural design ang pag-uusapan hindi kasing ganda ng mga church sa Rome ang Church ng Sta. Rita. Pero ang mahalagang bagay na pinupuntahan dito ay ang katawan ni Sta Rita na nakalagak sa loob mismo ng Simbahan.
The Church of St. Rita
Facade of the Church
Souvenir Pic outside St. Rita's Church
The place of St. Rita
Pagpasok ko sa loob nito kapansin-pansin ang kulay nito. Nakatawag pansin agad sa akin ang kulay sa paligid nito. Ang kulay at ang sayang pagmasdan. Sandali akong nagdasal at pinuntahan ko na agad ang lugar kung saan nakalagak ang katawan ni Sta. Rita. Paglapit ko dito habang nagdarasal hindi ko alam kung bakit me kakaibang kilabot akong naramdaman. Ewan ko kung bakit. Ewan ko kung saan nanggaling.
The Altar of St. Rita
The Body of St. Rita
The Body of St. Rita
After I visited the church, I went to the Convent. Ito ang naging tirahan ni Sta. Rita noong sya ay naging madre. Medyo mahaba ng pila papasok ng kumbento. Sa ilallim ng init ng araw matiyaga akong naghintay sa pila upang makapasok sa loob. After more or less 1 hour, hay sa wakas....nakapasok din ako sa loob.
Well of St. Rita
Souvenir photo @ well of St. Rita
Busy documenting the tour
Inside the convent of St. Rita
Picture inside the Convent
Picture ulit
Doon ay nakita ko ang well or balon kung saan nag-iigib ng tubig si Sta. Rita gayundin ang mga tanim niyang ubas (hanggang ngayong buhay na buhay pa ding makikita sa garden ng kumbento). Sa parteng itaas ay makikita ang naging room ni Sta. Rita gayundin ang lugar kung saan siya namatay at ang sarcophagus na pinaglagakan sa kaniyang katawan.
Picture at garden of the convent
Mga tanim na halaman ni St. Rita
Sa loob din ng kumbento makikita ang imahen o krusipiho kung saan tinanggap ni Sta. Rita ang kaniyang Stigmata. Panandalian din akong nagdasal sa harap ng krusipihong ito. Magtatapos ang tour sa loob ng kumbento sa lugar kung saan makikita ang mga tanim na rosas ni Sta. Rita kung saan patuloy pa din itong namumulaklak.
Rose garden inside the convent
The cross where St. Rita received the stigmata
The Cross and Stigmata
Garden inside the convent
Almost 3 pm na nang makabalik ako sa bus station tamang tama para sa 3:15 na schedule trip going back to Rome. On our way back to Rome, I thank God for giving me this rare opportunity to visit the place of St. Rita.
St. Rita of Cascia...Pray for US!!!!