Pilgrimage in Israel
Part 2
25.08.2010
Tulad ng nakaraang araw, maaga ulit ako nagising to prepare for the day's activity. We went down to the banquet hall for breakfast. Syempre nagpakabusog ulit ako. Gluttony na nga yatang matatawag ang kain namin dahil sa takot naming magutom. Hirap talaga kapag sakto lang budget mo. After naming kumain sabi nung isang kasama ko "Uy di magbabaon tayo? Dala mo na ba yung backpack mo dyan?" "Oo te" sabi ko naman.
Si ate ang look out kung me padating na service crew habang ako naman abala sa pagkuha ng mga pwede naming baunin. Fruits, bread, sandwich, jam, lahat yata ng hindi masisira at pwedeng kainin along the way binaon na naming dalawa. Akala namin kami lang ang nakaisip nun, pero pagdating sa bus madami din pala ang gumawa nun sa amin. "Uy kumuha din pala kayo sa breakfast natin ng baon?" tuksuhan namin.
Sa mga natitirang araw pa namin sa Israel naging ganun ang routine namin sa umaga. So nakatipid kami talaga ng malaki dahil hindi na namin kailangan pang bumili ng lunch namin. So me budget pa kami pagdating namin ng sa Rome.
Nung second day namin we had pilgrimage in Jerusalem with a drive on top of the Mt. Olives from which Jesus ascended to heaven after His resurrection. Sa taas ng Mt. Olives napakaganda talaga ng view. Makikita mo ang view ng buong City of Jerusalem. Dun din makikita ang Church ng Dominus Flevit which means Jesus Wept. Dun kasi Nya nakikita ang pagkasira ng Jerusalem.
The Mount of Olives
The Dominus Flevit Church,
View inside the Dominus Flevit Church
Jerusalem, O Jerusalem
After that we had an palm sunday walk, kung saan sinundan namin yung ruta na dinaanan ni Kristo noong Linggo ng Palaspas kung saan sya ay sinalubong ng mga taga-Jerusalem ngunit sa huli sila din pala ang sisigaw ng "Ipako si Jesus sa Krus." That day sobrang init talaga, kaya naman marami sa amin instead na Palms ang hawak eh payong. Halos naman lahat ng mga taga-Asian countries mahihilig magpayong dahil me kasabay din kaming mga Japanese at Chinese, sila din nakapayong.
The Palm Sunday Walk
Sa dulo ng rutang iyon makikita ang Garden of Getsemane kung saan dun hinuli si Christ ng mga sundalo para sa ipako sa krus. Makikita dun ang napakaraming Olive trees. Ipintayo din sa lugar na iyon ang Church of All Nations kung saan nagtulong tulong ang iba't ibang bansa upang maipatayo ito. Nasa loob nito makikita ang "Rock of Agony" ito yung bato na pinagdasalan ni Christ kung saan nagpawis sya ng dugo. Ito yung gabi ng hinuli sya ng nga sundalo para ipako sa Krus.
The Garden of Getsemane
The Church of All Nations.
The Rock of Agony
Sa hapon ay tumuloy kami sa Wailing Wall na tinatawag ng mga Jews. Ito yung last standing remnant of the ancient temple ng Western Wall. Sobrang Sacred nito para sa mga Jews. Dito sila sumasamba kung araw ng Linggo. After dito ay bumalik na kami sa hotel para magpahinga.
The Western Wall
Jews during worship at the ruins of the Temple of Jerusalem
Me @ Western Wall, totoy pa ko dyan...hehehe
Sa mga sumunod na araw ay binisita din namin ang Old Walled City ng Jerusalem and walk in the footsteps of Christ as he bore the burden our sins to the Cross at Golgotha. Makikita dun ang Upper room, dito naganap ang last supper ni Jesus. Naglakad kami ng konti at umabot na kami sa Palace ni Pontius Pilate kung saan hinatulang mamatay si Kristo. Pagbaba sa bahay ni Pilato makikita ang lugar kung saan hinagupit si Kristo habang nakagapos sa haliging bato. Sobrang namangha talaga ako dahil kahit na nasa makabagong panahon na tayo na preserve pa din nila ng maayos yung mga places na iyon.
Hall of the Last Supper
The Palace of Pontius Pilate
The Via Dolorosa (Way of the Cross)
Sabi ng tour guide namin yun pala ang tinatawag na Via Dolorosa or Way of the Cross. Habang dinadasal namin ang Way of the Cross, bawat istasyon na pinupuntahan namin kung saan aktwal na na naganap ang mga nakasulat sa binbasa namin, hindi ko maiwasang mai-magine na nasa parehas na panahon ako ni Kristo. Nakalungkot lang isipin dahil sa gilid ng Via Dolorosa andun din ang kanilang palengke. Sabi nga nung kasama naming pari ang Jews hindi naniniwala ke Kristo pero pinagkakakitaan nila si Kristo dahil ang mga karaniwang tinda doon ay mga rosaryo, krusipiho, at ibang religious memorabilia galing Israel.
Pagdating sa dulo ng Via Dolorosa ay nakita namin ang Holy Sepulchre Church. Yung nilalakaran pala namin sabi ng tour guide namin ay tinatawag ng Golgotha (Lugar ng mga Bungo). Sa tuktok kung nasaan ngayon ang Holy Sepulchre Church ay ang lugar kung saan makikita ang pinagpakuan at pinaglibingan ni Kristo.
The Church of the Holy Sepulchre
This where Jesus died and cruicified
Pagpasok sa loob ng church bumungad agad sa amin ang isang hugis parihabang bato. Nakita ko ang mga tao nakaluhod at nanalangin. Sabi ng tour guide namin iyon daw ang bato na pinagpatungan ng katawan ni Kristo ng puno ng dugo matapos itong ibaba mula sa Krus at ihanda ito sa paglilibing. Mataimtim din akong nanalangin, humalik at humawak sa batong ito.
This is where the body of Jesus was prepared for the burial
Sa loob pa din nito makikita ang altar kung saan makikita ang icons nila Mary, John, at Crucified Christ. Nakita ko na may isang pila papalapit sa altar na ito. Nakipila din kami at sabi ng tour guide namin may marker daw na makikita doon sa altar kung saan doon itinayo ang krus na pinagpakuan kay Kristo. Nakita ko nga ang marker na sinasabi ng tour guide namin. Pagdating sa altar nakita ko ang marker. Nakita ko din na may butas ito at sa butas na iyon ay ipapasok mo ang iyong kamay upang mahawakan ang batong pinagbaunan ng Krus kung saan ipinako si Kristo. Kakaibang kilabot talaga ang naramdam ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Nagdasal talaga ako ng taimtim sa puntong iyon.
The Site of Crucifixion
This is the marker of crucifixion. Ipapasok mo yung kamay mo sa hole ng marker para mahawakan yung stone kung saan itinayo yung cross na pinagpakuan kay Christ
Napakalaki pala ng Simbahang iyon. Sa gawing palabas ng dambana ay makikita naman ang lugar kung saan inilibing si Kristo. Tinayuan nila iyon ng isang maliit na kapilya. Sa pagpasok ko sa lugar na iyon nakita ko ang piraso ng bato na na nakatakip sa libingan ni Kristo.
The Burial Site of Jesus
This is the stone where the body of Jesus was laid to rest but on the third He resurrected
Pagkatapos naming magdasal ay nagpunta kami sa may palengke upang bumili ng mga souvenirs. Ang bilin sa akin ng kaibigan kong pari ay dapat daw marunong akong makipagbaratan para mas madami akong mabili. Nagtanong ako ng rose-scented rosary, sa una ang presyo ay $2, sabi ko madami ang kukunin ko, sabi ng tindero ay $1.5 na lang daw. Sabi ko hindi na lang dahil me nakita akong $1 lang ang presyo. Papaalis na kami sa tindahan nya ng habulin nya kami at sabihing "Ok my friend i will give you these rosaries for $1 each" Sa loob loob namin effective, tama nga si Fr. Habang hinahanda nya ang mga binili nya sa amin walang kagatol-gatol na sinabi nya "Filipinos right?" Sabi namin naloko na, kilala yatang barat ang mga Pinoy. Hehehe...
This is the market at Via Dolorosa
The rose-scented rosary
After naming mamimili we tried the authentic Kebab/Shawarma ng Israel. Since madami kami, I think mga sampu kami kaya syempre tumawad ulit kami. Ang $3 na presyo nakuha namin with free drinks na. Very Pinoy di ba. San ka pa. Grabe sobrang sarap ng Kebab nila. Lasang lasang arabo. Haha. After the market tour we went back to the bus. Habang nasa bus kami sobrang hinayang ng isang kasama namin dahil ang rosary na binili nya sa isang Souvenir shop na pinagdalhan sa amin ng Tour Guide namin na worth $3.5 nakuha lang namin ng $1 sa palengke. Syempre mas mahal yun dahil me commission ang tour guide dun e.
The delicious authentic kebab
Sobrang nakakapagod ang mga araw na ito pero worth it naman talaga dahil sa sobrang amazing, holy, and historic ng mga pinuntahan namin.