Ilocos Invasion
Day 1-Sept 4, 2010
11.05.2011
This is my first time to visit Ilocos Region. Afraid ako dahil sa haba ng biyahe. I heard na sobrang haba ng travel time kung by land. Buti na lang at nagsale ang Philippine Airlines that time. I think yung round trip ticket namin na nakuha sa PAL is Php 2,000 plus lang yata.
Our Carrier Philippine Airlines
Saturday morning after the 9-hour shift, so medyo bangag ang iba dahil galling sa work pero sige lang lakwatsa to. We first had our breakfast sa McDonald’s PS before kami nagpunta sa Airport Terminal 2 dahil 9am pa naman ang flight namin to Ilocos. While waiting sa airport, syempre kani-kaniyang pwesto para makapagrest kahit papaano. Pero di rin namin nagawang umidlip man lang dahil sa excitement siguro.
Ready to go na ko...tagal nyo..International Flight Ba???
Picture pa...
Eto pa..palipas oras...
Huh...another picture at the Airport...
Before boarding the aircraft nagulat kami sa mga nakita naming…OMG! Tama ba nakita namin, It’s Imelda Marcos with Escorts kasabay namin sa plane. Fine, syempre di kami nagpahalata na star struck kami sa kanya. While on the plane, PAL served us with snacks (biscuit, juice, and peanuts). It took us 50 minutes to reach Laoaog International Airport.
Manila to Laoag Route...
Sige picture pa...
Snack Time....
Paglabas namin sa plane nagulat kami dahil ang dami pala namin VIP na kasabay, like Imelda Marcos, Imee Marcos, Cong. Remulla, and Speaker Sony Belmonte. Syempre di kami nahiya magpapicture with them. Nakakatuwa dahil feeling din namin VIP kami dahil may bandang sumalubong sa flight na iyon.
Me at the Tarmac of Laoag International Airport
Sheiy with Speaker Sonny Belmonte
Sige pa picture pa with VIPs
Sige lang Ron...gulatin mo si Madame at Speaker
Yun oh...si Sheiy makasingit sa picture kahit gawing background si Mdme. Imelda
Welcome to Ilocos Region Prescriber Team!!!
After few minutes, dumating yung sundo namin (thanks Tita Sally and Family). Syempre una-unahan kami sa likod ng pick-up na sasakyan namin sa Ilocos. Ang sarap ng simoy ng hangin, sariwa at presko. We had our lunch sa Ati-Atihan Chicken House (akala ko dun lang sa Ilocos meron nun pero nagulat ako meron pala nun sa Abad Santos Ave near sa bahay namin). I ordered chicken inasala and Poque-poque (hmm..yung iniisip mo yan din naiisip ko first time I heard it), which is ensaladang talong.
Thanks tita for the service!!!
Enjoy pa kami sa likod ng pick-up
Laoag.....
First stop...Laoag...
Lunch..Inasal Chix @ Ati-Atihan Chicken Inasal
Poque-Poque? sounds good?
After the sumptuous lunch, we continue our travel going to Pagudpud. Hay another 2 hours ang travel time from Laoag to Pagudpud. Pero this time, di na sila nagunahan sa pwesto sa labas ng pick-up. Kami na lang nila Lhen, Ron, Sheiy, Nice, at ako. Grabe, ang hirap ng biyahe dahil bukod sa di comfortable dahil walang upuan sinabayan pa ng ulambon. Ang sakit sa mukha ng patak ng ulan parang kinakagat ng langgam ang mukha mo.
Ang hangin sa labas with matching ulan...as in...
Taas na ng hairline ni Sheiy lalo pang tumaas dahil sa hangin..
Sa wakas pagudpud na....
Nagcheck Inn kami sa Polaris Hotel sa Pagudpud. Ok naman yung accommodation site namin pero parang walang masyadong activities at mapupuntahan sa paligid nung hotel. We rented 2 rooms for our overnight stay in Pagudpud. After na ilagay yung mga gamit sa respective rooms nagpunta na agad kami sa Blue Lagoon. Napaka peaceful ng tubig. Sarap maligo dahil medyo umuulan din. Sila Joni, Ninnia at Lhen, nagswimming sa kwento di naman nagswim sa beach. After 2 hours, we proceed na sa aming next destination.
Our Room at Hotel Polaris, Pagudpud
Our next stop is Patapat Viaduct, sandali lang naman kami nagstay dun dahil nagpicture taking lang naman kami. Nakaka amaze lang yung pagkagawa nya na parang malaki at mahabang snake na nasa tabi ng dagat.
At Patapat Viaduct...
Dali ang ginaw na....
After that we went back to our hotel to prepare for dinner. The group decided to have dinner sa hotel dahil pagod na rin para maghanap ng makakainan. Hindi ok food sa hotel dahil hindi satisfied yung iba kong officemate sa mga orders nila. Loise and Ron ordered, Igado but it turned out na yung Igado nila is puro taba ng baboy na ang sarsa nya mantika din (nakakatakot….Cholesterol…..NAKAKAUMAY talaga). Si Lhen naman ordered pansit canton (may disclaimer pa sya bago dumating yung order nya “Walang Hihingi…”) When Lhen’s Pancit Canton was served, talagang walang humingi paano ba naman di kami nasabihan na mura pala toyo sa Pagudpud. WHoah…ito ang maalat sobrang alat nung pancit canton at dahil sa dami ng toyo yung pancit canton turned out to be Black Noodles. Huh! (take note…inubos ni Lhen to).
pancit canton ni Lhen with 1 Liter of Toyo
Igadong Taba nila Ron...magpapa BP ka after....yaiks...
Pero parang ubos din yung food ha...
After this once in a lifetime dinner experience sa Polaris (di na talaga mauulit kumain dun), we just had bottle of beer while watching TV tapos natulog na din para makapagcharge for the next day’s activities.
Posted by drahcir07 11:28 Archived in Philippines Tagged beaches