Ilocos Invasion
Day 2-Sept 5, 2010
11.05.2011
Bigla ako ng balikwas sa higaan dahil nagulat ako sa alarm ng cp. When I checked the time, naku 6am na kaya nung ginising ko yung mga kasama ko sa room, nagulat din sila. Lumabas kami ni Sheiy sa labas para magpahangin. Laking gulat namin bakit sobrang dilim pa ng paligid. When they checked the time, mag 5am pa lang pala. Mali pa oras sa cp ko. Hahaha!!! Kakainis dapat natulog pa kami. Pero di na rin kami makakatulog kaya we decided na magpicture taking na lang muna at mamasyal sa tabing dagat.
Agang mga nagising o....
Napakaagang pictorial nyan ha...
Sige lang picture pa...
After picture taking sa beach, we decided na maghanap ng ibang place na pwedeng kainan for breakfast pero wala pang mga bukas na tindahan. Buti na lang yung carinderia na Papa Nard’s Eatery near the Florida Terminal accommodated us kahit hindi pa sila talaga open for business that day.
Si Manang lang ang nag aasikaso sa amin, kaya naawa si Ninj dahil talagang mahihirapan sya magprepare ng almusal for us kaya tumulong na din sya sa may-ari ng store. Naging kitchen helper si Ninj that time (thank’s Ninj…). After an hour or so, nabusog din ang mga gutom naming mga tiyan. In fairness, ang sarap ng longganisa at sinangag ni Manang.
bagong helper sa Papa Nard's Eatery...
After we had breakfast, nagpicture taking muna kami sa Town Hall ng Pagudpud. After that we returned back to the Hotel to enjoy the beach. Grabe sobrang laki ng alon kaya di kami nakalayo sa pampang. Nakakatakot talaga ang dagat sa laki ng alon….Ganun pa man, di pa din kami maawat sa pakikisagupa sa malalaking alon ng South China Sea.
'
Pagudpud Town Hall
Yun o...mga walang patawad basta picture taking...
Souvenir shot @ Polaris Hotel..
It’s already 10 in the morning when we check out the hotel and proceed to the next part of the itinerary. Our next stop is Bangui Windmills (which helps Ilocos Region with their electricity needs). Honestly, habang papalapit ng papalapit kami sa Windmills, nakakatakot pala silang tingnan ng malapitan. Feeling ko kasi para silang robot na any moment kukuhanin ka nila (hehehe…gutom lang yan…) Syempre likas kaming matakaw sa pictures so sinamantala talaga namin ang napakagandang view ng Bangui.
Then we went to Cape Bojeador Lighthouse. Grabe amazing yung structure na ito. Sobrang antique na nya. Apat lang kaming pumanhik sa taas ng lighthouse. Mauulan ang panahon..spooky talaga. Tapos sinalubong kami ni Manong (gusto namin hawakan mukha ni Manong just to make sure na buhay talaga kausap namin at di Moomay). Crazy!!!! Ang kitid ng daanan papanhik sa tower pero we managed naman na makapanhik sa taas. Sobrang breathtaking ang view sa taas ng lighthouse. Kita mo yung napakalawak na China Sea at ibang parts ng Ilocos.
Historical Marker at the lighthouse...
We decided na pumunta next sa White Rock formation, kahit na sinabihan kami na malayo ang lalakarin at madulas ang daanan. Papasok sa daanan going to White Rock, nakakatakot. Puro talahib at walang masyadong tao. Tipong mga setting ng mga massacre movies. Tama nga yung mga sabi sabi, malayo ang lakarin at walang konkretong daanan going to white rock. Nakatuwa dahil si Ninj naka sandals pa at shoulder (parang may office lang) ang get up. Eniweiz, yung mahabang lakad at pagtawid sa mga batohan ay sobrang sulit sa ganda ng White Rock. Syempre sinulit talaga namin ang mga views.
Nakapagod na araw pero sobrang sulit naman. Before kami umuwi sa house ng tita ni Jen dumaan muna kami sa Robinson’s Ilocos to buy some food and personal effects.
Sa house ni Tita Sally, Lhen, Ninj, and I prepared for Jen’s Bday Dinner (sweet naman ni Ninj). Lhen prepared Pancit Canton with Milk, Ninj prepared BBQ, and I prepared Cream Dory Fish Fillet. Ang sarap, sobrang nakakabusog……
After some chit chats, we decided to rest for the next day’s activity.