A Travellerspoint blog

Ilocos Invasion

Day 3-Sept 6, 2011

sunny

Maaga kaming gumising lahat dahil maraming schedule activities for this day and our destination is Vigan.
Our first stop, is Baluarte Zoo which is owned by Gov. Chavit Singson. I think kung limited time lang meron kayo to explore Vigan, you can skip this place na. Walang masyadong animals na makikita plus yung ibang parts ay di pa din open sa public. What we did lang in the place is to ride yung cart na hila ng pony…buti na nga lang si Lhen hindi sumakay kung hindi kawawa naman yung mga ponies….hehehe…

large_DSC02519.jpg
Welcome to Vigan...

large_DSC02520.jpg
large_DSC02525.jpg
large_DSC02526.jpg
large_DSC02530.jpg
large_DSC02531.jpg
large_DSC02540.jpg

After visiting the Baluarte Zoo we went to the Plaza Proper of Vigan. Nagpunta muna kami sa Town Hall nila, sa may tourism office nila to get some brochures ng mga dapat puntahan sa Vigan. After getting some brochures/flyers, nagpunta na kami agad sa Empanadaan. Sayang nagmamadali kami kaya hindi na namin napasok yung St. Paul’s Cathedral.

large_DSC02545.jpg
large_DSC02549.jpg
Empanadang Ilocano...
large_DSC02550.jpg
large_DSC02552.jpg
mga gutom na...

large_DSC02543.jpg
St. Paul's Cathedral..

Sobrang init ng panahon that time, plus yung heat pa galing sa mga nilulutong Empanada at Okoy. Honestly, sa eroplano pa lang iniimagine ko na kung ano ang lasa ng empanada sa Ilocos dahil ang gaganda ng mga sinasabi sa blog, pero when I tasted it, ewan ko di ako masyadong satisfied sa lasa. Sabin g officemate ko siguro di lang masarap dun sa nabilhan namin.

After the quick lunch at Empanadaan, we went to Calle Crisologo for some picture taking and to buy pasalubongs. Sobrang nakakaamaze yung paano na maintain yung mga houses na Century old na. Yung road nila na sobrang antique ang dating. Kahit na maraming mga tindahan sa Calle Crisologo they were able to maintain yung cleanliness and antiquity nung place. Yung mga modern restaurant like Max’s, McDonalds, Jollibee, and Chowking, talagang binagay nila yung design ng store nila sa setting sa Vigan. Syempre bumili ako nga famous bagnet, longganisa, chichacorn, and brownies from Marcia’s.

large_DSC02557.jpg
Crisologo Street...
large_DSC02558.jpg
large_DSC02559.jpg
large_DSC02544.jpg
large_DSC02541.jpg

After buying pasalubongs, we decided to go back to Laoag to visit other spots like the Marcos Mausoleum. Along the way, nagstop over muna kami sa mga garlic stand sa Pinili Ilocos. Then, dumiretso na kami sa Batac, Ilocos Norte dumaan muna kami sa Jollibee to have our lunch. Grabe nung naghilamos ako sa CR sobrang hapdi na ng mukha ko. Sun burn talaga (paano bang hindi ma Sun burn sa init ng araw pero sa likod kami ng pick-up nakasakay…haist di na talaga ko uulit ng ganito….yung polo shirt ko dahil light colored sobrang ang dumi na).

large_DSC02572.jpg
The lover...parang me teleserye sa likod ng pick up...kaiinggit..
large_DSC02574.jpg
pati bawang mga walang patawad..
large_DSC02575.jpg
large_DSC02573.jpg
large_DSC02578.jpg
Jobi meets Jobi....face to face..

Pagdating sa Marcos Mausoleum wala pa yung bantay nung crypt. So, nagikot muna kami sa place at museum dun. Kaso hindi gaanong malinis ang lugar. Ang init at maalikabok sa loob ng museum. Sayang nga yung mga memorabilia ni Marcos inaalikabok lang. Pagdating nung caretaker na kamukha din ni Marcos, he opened agad yung door ng crypt. Spooky yung loob ng libingan ni Pres. Marcos. Ang dilim sa loob dahil ang ilaw lang ay spotlight na nakatutok sa body nya tapos ang lamig para kang nasa loob ng ref.

large_DSC02587.jpg
large_DSC02593.jpg
large_DSC02596.jpg

Pagkatapos dumiretso kami agad sa Paoay Church. As usual sa likod pa din kami ng pick up nakasakay. WOW…yan yung nasabi ko nung nakita ko yung façade ng Church dahil sa ganda nya. No wonder talagang pinupuntahan ng mga tourist. Pagpasok sa loob ng Church, I realized na wala masyadong amazing sa loob. Ang maganda lang sa church ay labas at bell tower nya. So camwhore talaga ako sa labas ng Church.

large_DSC02599.jpg
large_DSC02605.jpg
large_DSC02616.jpg
large_DSC02617.jpg
large_DSC02621.jpg

The next stop is Sand Dunes….the historic sand dunes kung saan nagshooting ng Panday. Medyo nahirapan kami sa paghahanap ng La Paz Sand Dunes. Kapag nagtatanong kami sinasabi nila kung ano ba ang gagawin namin doon. Hello??? Di ba nila alam na puntahan to ng turista (sa isip ko). Daming lugar dinaanan namin...kaso pagdating dun sa Sand Dunes…lalo kaming nanlumo dahil wala yung expected namin na mga 4x4 cars na for rent para gamitin sa ride sa Sand Dunes. So what we did is i-enjoy na lang namin yung view at magjump shot na lang kami.

large_DSC02627.jpg
you have to cross this bridge papunta ng La Paz Sand Dunes...

large_DSC02628.jpg
Ito na yun???
large_DSC02629.jpg
large_DSC02636.jpg
Lovers in Sand Dunes...
large_DSC02641.jpg
Si Lhen nilibang na lang ang sarili...hoy dahan dahan baka gumuho Sand Dunes..

Afterwards, we head back to Tita Sally’s house for the inuman. Take note hindi basta inuman to, dahil ngayon lang ako naka experience ng inuman na may tally sheet (pakulo ni Sheiy to…feeling nya kasi dinadaya sya eh…hahaha!!!). After few hours….marami na ang lasing, paano ba naman Gin Bulag ang ininom namin. MAging choosy pa ba kami eh wala namang ibang pagpipiliian…Haist…
Going back sa kwentong lasing, si Jen (partner ni Ninj)…akala nasa labas siya ng bahay. Sabi ba naman mag-ingat daw ako dahil maraming loko-loko sa kanto at sabi pa nya “tabi tabi po…” Sa kalasingan yung ibang pasalubong binuksan na para pulutanin. Sige pati chocolate cake pulutanin na din natin…(mga walang patawad). Eto pa malupit, si Ninj makaligtas lang sa inuman ang pinupuno lang naman sa CR eh balde ng tubig, hala inabot ng umaga. Buti na lang andyan si Loise at naawat kami ni Ron dahil si Ron me nakita pang isang kahong Gin ang sabi nya “Sige inom pa tayo, Isang kahon pa naman yung nasa tindahan.”

The following day, is VOMIT DAY (gusto nyo yan ha…). Wala akong gaana sa breakfast dahil feeling ko kahit ano kainin ko ilalabas ko din sa bibig ko..yaiks!! Kadiri talaga kahit san ka pumunta me nagtatawag ng uwak at nagtutulak ng pader. Sa CR, lababo, terrace, labahan name it me tumatawag ng uwak.

Nasa byahe na kami at medyo masama ang panahon na para namang nakikisama sa mga sama ng pakiramdam namin. Mahigit isang oras ang byahe mula sa house nila Tita Sally papunta ng Airport pero halos tahimik ang lahat. Ako me plastic bag na hawak para kung anuman ang mangyari ready ako.

large_DSC02655.jpg
Ready to go home na....

Pagdating ng Laoag Airport, after na maideposit yung mga baggage hinanap ko agad ang washroom. Gulat ako dahil pagdating ko sa CR nandun na pala si Ron, kakatapos lang magtulak ng pader at nagtawag ng uwak. “Ikaw naman tapos na ko” pabiro pang sabi ni Ron.
Overall, this Ilocos trip is amazing. Grabe, nalibot namin ang Ilocos Norte at Sur. Buti na lang andun ang tita ni Jen dahil malaking tulong yung pinahiram nyang sasakyan at syempre malaking tulong din yung tito ni Jen na matiyagang nagdrive sa amin. This trip is truly memorable and amazing…O san sunod na lakad natin???

Posted by drahcir07 12:43 Archived in Philippines Tagged churches

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Login