Looking forward
Its time to bowl again....
25.08.2010
Excited na ko sa lakad ng barkada namin sa Sunday. Excited ako dahil sa wakas nagkatugma din ang mga schedule namin. Sa tuwing lalabas kami sa schedule kasi kami nagkakaproblema. Usapan nga namin at least once a month lalabas kami kaso ang problema ang hirap pagtagpuin nga mga schedules namin. Sobrang busy kasi ng mga dabarkads ko lalo na yung mga doctors na. Hay!
Anyways, sa tuwing gigimik ang barkada sa iisang bagay lang naman nagkakasundo ang lahat. Syempre sa tsibog. Yan ang trip ng barkada sa tuwing magkikita kita. May schedule kung sino ang TAYA sa bawat pagkikita. Mas garbo ang salo salo syempre kung may birthday celebrant (kahit tapos or malapit na ang birthday) nearest sa date ng scheduled night out.
Birthday Blowout ni Doc Topher @ DADS Buffet
Sarap mag Eat All You Can sa Dads
Madalas food trip ang gimmick namin. From Italian food, japanese, asian cuisine, persian kebab, at kung anu ano pa. Pero di naman talaga mahalaga kung saan kakain. Mas mahalaga syempre yung time namin together. Minsan nga kahit walang schedule, yung trip lang na magkita at makipagkwentuhan kahit sa Jollibee na lang katalo na din.
Night out @ Amici
Sige Kain ng kain...
Kain pa...
Dessert na kami ni Doc CJ..thanks Caramia
Inuman na @ Lafflyn after the dinner @ Amici
May mga restaurants kaming kinakainan na sobrang "adventure" dahil hindi namin alam kung paano kainin ang mga pagkain dun. Hehehe. Tulad na lang last July 30 nung nagkita kita kami nila Doc Topher, Doc Ivy, and Nurse Ian. Kahit sobrang dami ng tao sa SM North Edsa dahil Mallwide Sale dun pa din ang napiling venue ni Doc Ivy para sa dinner. Ewan ko ba naman kasi si Doc Ivy sa tuwing sya ang in-charge sa pag-oorganize laging ang venue SM North EDSA. HAHAHA...
Sa paglilibot namin nagsuggest si Doc Ivy na sa Seoul Food Garden na lang daw kami kain. Sabi ko walang problema sa akin ang mahalaga sa Eat All You Can. So ang choices namin either Dad's, YakiMix, or sa Seoul Food Garden. Ang ending nauwi kami sa Seoul Food Garden kahit hindi namin alam kung anong mga pagkain ang meron dun.
Seoul Food Garden, SM Cyberzone North Edsa
Food Choices @ SFG
Food Choices @ SFG
Bakas na lang ang naiwan...
They called it "Bimbi" korean food yata ito rice with egg on top at kung anu ano pa
This is our table...busog kami e
Sarap to the bones...
Bakas ng nakaraan...
So, tama ang hinala ko hindi ko nga kilala ang mga food dito pero at least naintroduce sila sa amin. Pero ok at sulit naman (lalo na sa amin). Ang daming choices ng food chicken, beef, pork, fish, sea foods, kimchi, at kung ano anong pang mga pagkain na hindi ko kilala. They really have variety of food choices. They have Vietnamese, Thai, Malaysian, Chinese, Korean, and of course Filipino Cuisine. Ang problema lang namin hindi na namin alam kung alin ang Thai food, alin ang Korean, etc.
The Dessert..halo-halo made by Doc Topher
The ice cream dessert..ako nag mix nyan...
Busog na si Doc Ivy and Nurse Ian
Si Doc Topher din at ako sobrang busog na....hay sarap
Souvenir Pic daw muna
Excited na ko sa gimmick namin sa Sunday. Tagal ko na ding hindi nakakapagbowling. Balita ko si Doc Jolly ang taya for this get together. Sana Sunday na....