Arriverdeci...Aur revoir...Adios...Goodbye...Paalam!!!
Til We Meet Again
27.08.2010
Kanina habang binabasa ko ang blog ni Ian, bigla akong napaisip...ano bang meron ang buwang ito. Few weeks ago, nagkaroon ng changes sa leadership ng client namin from the US. Sobrang nakakalungkot dahil sa friendship na nabuo sa loob ng mahigit isang taon. Pagsasamahang nabuo lamang sa pamamagitan nga mga client training sessions or bi monthly meeting thru phone, audit trail, client projects atbp.
Last week naman si Ian ang nagsubmit ng resignation letter. At ngayon last day na niya dito sa office. Salamat Ian sa masarap na lunch ha! (sino pa kaya ang susunod para may free lunch ulit kami? Hahaha...Joke lang po) Nakakalungkot dahil isang kapamilya na naman namin dito sa office ang aalis. Ka officemate mo na araw araw naming kasabay sa pag-igib ng tubig sa pantry, kasama sa pambuburaot sa ka-team, kasabay sa lunch time, kasamang tumatawa sa iba't ibang bagay, katulong sa pagmeet ng deadlines ng mga projects, kainuman, kakwentuhan, kasabay sa pag-uwi at kung anu ano pa.
Surely, sobrang mamimiss namin kayo, lalo ka na Mr. Tunaman. Thank you for sharing your expertise to the group. Thanks for the time that we laugh together as a team (kahit kung anu ano lang pinagtatawanan natin). Thanks for the time na naburaot mo ang ibang ka-team natin. Thank you for sharing a piece of yourself to the group. Most importantly, THANK YOU FOR THE GIFT OF FRIENDSHIP.
May God always bless you....Til we meet again...
Whoaaaa.... Thanks! Thanks! Thanks! Very touching message. Na-appreciate nyo pala ang mga pambuburaot ko. hahaha!
I'll see you again. Kakaiba ang team natin. Hala mag isa ka na lang sa LRT. I mean mag-isa ka na lang matulog...
by Ian