A Travellerspoint blog

September 2010

The Gift

Last Thursday, I decided to file for leave on September 24, 2010. This is my birthday gift to myself. Relax and pahinga muna from work. September 25 talaga birthday ko pero since it falls on Saturday, nagleave na din ako ng Friday para long weekend. Hay..sarap ng pahinga ko.

bday3.jpg

Friday, September 24, I treated myself for a whole body massage and SPA at Wensha Timog. I arrived there around 7pm and left the Wensha 1am. Hahaha...sobrang sinulit ko yung 6 hours na stay sa SPA. I really enjoyed this super relaxing day. Saturday, September 25 araw mismo ng birthday ko, sobrang tamad na tamad ako...siguro dahil me hangover pa ako ng SPA and massage experience ko from yesterday. On the way to SM San Lazaro for the family dinner (dun na lang kami nagdinner dahil sabi ng Mom ko mas malapit daw) me nakasabay kaming trike na humaharurot. Kaya naman pala emergency, tila agaw-buhay ang sakay nito. Bigla akong natigilan sa masayang usapan naming magpipinsan...bigla akong napaisip...tila may nais ipahiwatig..tila may tinig na nagsasalita sa aking kalooban, tila nagsasabing "MAMAMATAY KA DIN..." Oo nga naman, napakaikli lang ng buhay natin. Napabuntong hininga tuloy ako...sabi ko sa sarili "Ang daming dapat ipagpasalamat sa buhay ko." Mas lalong naging espesyal ang araw na ito para sa akin.

bday2.jpg

Minsan mahirap unawain ang mga bagay na nangyayari sa ating buhay. Sabi nga, "Life is like a rosary that is full of mystery" very classic na quotation pero totoo. Maraming mga bagay ang nangyayari sa buhay natin ang pilit nating hinahanapan ng paliwanag at kasagutan ngunit hindi natin masumpungan. Sa huli, ang mahalaga pa din ay magpasalamat sa buhay na kaloob sa atin ng Maykapal...

bday.jpg

"Thank you Lord for giving me another year to live. Though there are a lot of things that were gone and ended, still there are so many things to be greatful with. Grazie Dio per questa vita. Thank you God for the gift of Life..."

Posted by drahcir07 12:36 Comments (2)

The Place of Sta. Rita di Cascia

Patron Saint of Lost and Impossible Causes, sickness, wounds, and marital problems

0 °C

St. Rita of Cascia is one of the famous and favorite saints in the Catholic Church. She was one of the few saints that has stigmata (bodily marks, sores, or sensations of pain corresponding to the crucixion wound of Jesus). St. Rita is the patron saint of lost and impossible causes, sickness, wounds, marital problems, abuse, and mothers.

Summer of 2007, I decided to visit Roccaporena in Umbria, Italy, the place of St. Rita. Hindi ganun kalayo yung place from Rome, I think 2 hours lang yata ang travel time from Rome. The day before the scheduled date of travel bumili na ako agad ng ticket dahil sabi ng friend ko madami ang pumupunta dito. Tama nga sya dahil, the next day pagdating ko sa bus station sobrang dami ng tao, yung iba chance passenger na lang. All seats taken ang nasakyan kong bus. Umalis ang bus ng 6:30 from the bus station at nakarating kami ng Cascia almost 9am na yata.

Immagine_011.jpg
Before our departure to Umbria, Italy

Pagbaba ko ng bus napansin ko na agad na sobrang tahimik, ibang iba sa maingay na kapaligiran sa Rome. Sobrang accomodating ng mga tao. Bumungad agad sa akin ang pagbati nila "Ciao!...Buon Giorno...Benvenuto!!" Hindi ako nahirarapang hanapin ang mga lugar na dapat puntahan dahil sa mababait naman ang mga tao dun, so kung medyo di ka sigurado sa pupuntahan mo magtanong ka lang.

Unang pinuntahan ko ang Church kung saan makikita yung body ni Sta. Rita. Kung architectural design ang pag-uusapan hindi kasing ganda ng mga church sa Rome ang Church ng Sta. Rita. Pero ang mahalagang bagay na pinupuntahan dito ay ang katawan ni Sta Rita na nakalagak sa loob mismo ng Simbahan.

Immagine_019.jpg
The Church of St. Rita
Immagine_020.jpg
Facade of the Church
Immagine_024.jpg
Souvenir Pic outside St. Rita's Church
Immagine_026.jpg
The place of St. Rita

Pagpasok ko sa loob nito kapansin-pansin ang kulay nito. Nakatawag pansin agad sa akin ang kulay sa paligid nito. Ang kulay at ang sayang pagmasdan. Sandali akong nagdasal at pinuntahan ko na agad ang lugar kung saan nakalagak ang katawan ni Sta. Rita. Paglapit ko dito habang nagdarasal hindi ko alam kung bakit me kakaibang kilabot akong naramdaman. Ewan ko kung bakit. Ewan ko kung saan nanggaling.

rita3.jpg
The Altar of St. Rita
rita2.jpg
The Body of St. Rita
rita.jpg
The Body of St. Rita

After I visited the church, I went to the Convent. Ito ang naging tirahan ni Sta. Rita noong sya ay naging madre. Medyo mahaba ng pila papasok ng kumbento. Sa ilallim ng init ng araw matiyaga akong naghintay sa pila upang makapasok sa loob. After more or less 1 hour, hay sa wakas....nakapasok din ako sa loob.

Immagine_028.jpg
Well of St. Rita
Immagine_044.jpg
Souvenir photo @ well of St. Rita
Immagine_032.jpg
Busy documenting the tour
Immagine_033.jpg
Inside the convent of St. Rita
Immagine_036.jpg
Picture inside the Convent
Immagine_039.jpg
Picture ulit

Doon ay nakita ko ang well or balon kung saan nag-iigib ng tubig si Sta. Rita gayundin ang mga tanim niyang ubas (hanggang ngayong buhay na buhay pa ding makikita sa garden ng kumbento). Sa parteng itaas ay makikita ang naging room ni Sta. Rita gayundin ang lugar kung saan siya namatay at ang sarcophagus na pinaglagakan sa kaniyang katawan.

Immagine_046.jpg
Picture at garden of the convent
Immagine_047.jpg
Mga tanim na halaman ni St. Rita

Sa loob din ng kumbento makikita ang imahen o krusipiho kung saan tinanggap ni Sta. Rita ang kaniyang Stigmata. Panandalian din akong nagdasal sa harap ng krusipihong ito. Magtatapos ang tour sa loob ng kumbento sa lugar kung saan makikita ang mga tanim na rosas ni Sta. Rita kung saan patuloy pa din itong namumulaklak.

Immagine_049.jpg
Rose garden inside the convent
Immagine_053.jpg
The cross where St. Rita received the stigmata
Immagine_054.jpg
The Cross and Stigmata
Immagine_059.jpg
Garden inside the convent

Almost 3 pm na nang makabalik ako sa bus station tamang tama para sa 3:15 na schedule trip going back to Rome. On our way back to Rome, I thank God for giving me this rare opportunity to visit the place of St. Rita.

St. Rita of Cascia...Pray for US!!!!

Posted by drahcir07 13:39 Comments (0)

Rome's 4 Great Basilicas

Feel Blessed to be here....

When I was still a youth leader in our parish, dream ko lagi na sana mabigyan din ako ng chance na makapagvisit sa Four Major Basilica in Rome. These four basiicas were considered the four great churches in the Catholic Church. The four basilicas are St. Peter's Basilica (which is the Pope's Official Residence and the location of Tomb of St. Peter), St. Mary Major (which houses the relic of the crib of Jesus), St. Paul Outside the Walls (which is the location of the tomb of St. Paul the Apostle) and St. John Lateran (which is the seat of power of the Pope as the Bishop of Rome).

Sobrang bait ni God dahil He generously granted my dream to see these places. And take note not only once, not twice, but many times. The first time was last year 2000, in connection with the celebration of the Jubilee year of the Catholic Church, I was given a chance to visit these churches along with other important sites in Rome. The second time was last 2005 when we had a side trip on Rome (when we attended the World Youth Day celebration in Cologne, Germany).

I was given a chance to revisit these sites when I decided to work in Rome. Every now and then, when I have time I visited again and again these churches. The last time was last 2008 before I decided to go back to the Philippines. Sakto naman Year of St. Paul (June 2008 to June 2009).

Ewan ko ba every time na pupuntahan ko ang mga churches na ito, parehas pa rin ang feeling ko...parang first time ko pa lang silang makikita. Palagi pa din akong amaze sa architecture nila. Kaya for the last time before I went back to the Philippines siniguro kong mababalikan ko silang lahat.

First on my list is the Basilica of St. John Lateran, this is the cathedral of the Church of Rome and the Official ecclesiastical seat of the Bishop of Rome, who is the Pope. This is the oldest and ranks first among the four basilicas. (Tamang history tayo....nakakaantok ba???). Sobrang favorite ko ang altar ng basilica na ito. Feeling ko unique (kahit sabi ng isang officemate ko parang nasa Paco Church daw..hmmmp).

Immagine_207.jpg
Outside the St. John Lateran Basilica
Immagine_219.jpg
The Holy Door (Every 25 years Lang ito Binubuksan tuwing Jubilee Year)
Immagine_230.jpg
The Main Altar of the Basilica
Immagine_237.jpg
Souvenir Pic @ the main altar of the Church
Immagine_238.jpg
Picture Pa
Immagine_259.jpg
Picture Pa Ulit...susulitin ko na to
Immagine_244.jpg
God totoo ba to?....
Immagine_246.jpg
This is wonderful!!!!

Second on the list is the Basilica of St. Paul Outside the Walls, which houses the tomb of St. Paul the Apostle. Amazing talaga ang architecture ng basilica na ito. Favorite kong pinupunthan dito ang facade ng basilica. Sobra kasi akong nagagandahan sa garden sa labas at sarap tumambay habang pinagmamasdan mo ang mga pillars na nakapaligid dito.

Immagine_264.jpg
The Facade of the Basilica
Immagine_263.jpg
Favorite Part ko sa St. Paul's Church
Immagine_276.jpg
The Holy Door of the Basilica (Sa year 2025 na ulit bubuksan to)
Immagine_283.jpg
The Main Altar
Immagine_293.jpg
Tomb of St. Paul
Immagine_295.jpg
Praying at the tomb of St. Paul
Immagine_299.jpg
The throne of the Pope in every liturgical activity in the Basilica
Immagine_305.jpg
The train station going to St. Paul Basilica

Third on the list is the Basilica of St. Mary Major. Important ang church na ito dahil dito nakalagak ang relic ng crib ni Jesus. Sobrang ganda din ng mga mosaic sa dome nito. But my favorite part ng church ay ang chapel ng Virgin Mary (Salus Populi Romani). Madalas dito ako umaattend ng mass kahit hindi Sunday.

Immagine_350.jpg
Picture outside the St. Mary Major Basilica
Immagine_349.jpg
Outside the Church ulit
Immagine_341.jpg
The Holy Door of St. Mary Major Basilica
Immagine_316.jpg
The relic of the crib of Jesus
Immagine_327.jpg
The tomb of St. Pius the 5th
Immagine_334.jpg
The chapel of Virgin Mary (dito ako lagi nag-aattend ng Mass)

Last but not the least is the Basilica of St. Peter. Sa ngayon ito ang isa mga top tourist destination. Everytime na pupunta ako dito walang pinipiling season kahit na umuulan sobrang dami ng tourist. Sobrang amazing ang basilica na ito. Sabi ng tourist guide namin dati wala daw maliit na architecture sa loob nito. Sa loob nito makikita ang famous "PIETA" ni Michaelangelo. Pagpasok mo palang bubungad na sa iyo ang Baldachino ni Bernini (ito yung main altar ng basilica) at sa gawing kanan mo makikita yung Pieta ni Michaelangelo. Sobrang daming obra ang makikita sa loob ng St. Peter's Basilica kaya hindi nakapagtatakang talagang dinarayo ito ng mga turista.

Immagine_628.jpg
Michaelangelo's Pieta
Immagine_630.jpg
Holy Door of St. Peter's Basilica
Immagine_641.jpg
Inside St. Peter's Basilica
Immagine_642.jpg
Picture Inside St. Peter's Basilica
Immagine_657.jpg
Loob pa din ng St. Peter's Basilica
Immagine_662.jpg
Statue of St. Peter inside the Basilica
Immagine_689.jpg
Bernini's Baldachino @ St. Peter's Basilica
Immagine_685.jpg
Emblem of Pope John Paul II
Immagine_706.jpg
Tomb of St. Peter under the Main Altar of the Basilica
Immagine_707.jpg
One of the Papal Tomb beneath St. Peter's Basilica
Immagine_712.jpg
Syempre di kumpleto pagwalang Swiss Guards
Immagine_682.jpg
Showbiz muna kasama si Christian Bautista...namamasyal din sa St. Peter
Immagine_697.jpg
Outside the St. Peter's Basilica
Immagine_728.jpg
Souvenir pic at St. Peter's Square (Dito ginagawa most of Papal Ceremonies)
Immagine_732.jpg
@ St. Peter's Square Ulit
Immagine_733.jpg
@ St. Peter's Square again
Immagine_736.jpg
Ito Pa kuha St. Peter's Square
Immagine_722.jpg
The Columns @ St. Peter's Square

Hay....ang sarap balikan ng mga ganitong experience....napaisip tuloy ako bigla, kelan ko kaya muling masisilayan ang ganda ng mga simbahang ito??? ABANGAN....

Posted by drahcir07 11:47 Comments (1)

(Entries 1 - 3 of 3) Page [1]