A Travellerspoint blog

Pilgrimage to Israel

Part 1

T-shirt, towel, medicines, personal effects, prayer materials etc. excited kong minamarkahan ang check list ko ng mga gamit na dadalhin ko para sa unang byahe ko out of the country (ibang level na 'to) parang dati ang pinakamalayo ko ng napuntahan e Baguio.

I1.jpgI'm ready to Go...

Dalawang araw bago ang flight namin going to Israel, hindi na ko makatulog kakaisip. Ano hitsura ng loob ng eroplano, ano feeling na lumilipad, basta ang dami kong mga iniisip sa sobrang pagka-atat ko talaga. At last, dumating yung araw na pinakahihintay ko, Departure Date namin.

I6.jpgLet the Journey Begin....

7pm ang schedule flight namin from Manila to Hongkong via PAL, then we have to transfer to Alitalia Airlines from Hongkong to Milan, Italy. From there transfer ulit kami ng plane to fly us from Milan to Egypt. From Egypt we transferred to Egypt Air going to Tel Aviv, Israel. Napagod ba kayo sa dami ng transfers namin? Ako naman sobrang enjoy dahil sa first time ko makasakay ng airplane. Favorite part ko syempre kapag kakain na. Hahaha.

I2.jpgOur carrier from Manila to Hongkong
I3.jpgOur carrier from Hongkong to Milan, Italy and Italy to Egypt
I4.jpgOur carrier from Egypt to Israel

Anyways, almost 22 hours yata inabot ang flight namin going to Israel. Paglabas namin sa airport may sumalubong na agad sa amin na tourist guide with our group name na nakasulat sa placard. Mabilis kaming pinasakay sa bus na provided ng travel agency and we went to church that commemorates the first headquarter of St. Peter in Israel.

Pagpasok namin sa church, hindi ako gaanong na-amaze sa architecture ng church, hindi masyadong garbo ang design ng church. Sabi ng tour guide namin yun daw ang ginawang headquarters noon nila St. Peter during the time of Christ. Sa gilid ng church ang ganda ng view ng Mediterranean Sea. So syempre picture galore kami (di ko lang ma ipost lahat ng pics dahil sa nid ko pa i-scan yung mga pics ko dahil kuha pa yun sa camera na di film...jurassic...).

I7.jpgThe Mediterranean Sea

Then after short prayer and picture taking we went to our hotel to have dinner and rest for the whole night. So siyempre first night hindi kami napakali sa mga rooms namin. Nag room to room visit kami. Ang mga cr alam mong pinoy ang naka check in sa hotel. WHY??? Because my improvised na tabo at may mga nakasampay na undies sa mga CR. Nagpayabangan pa nga kung ano mga kinuha sa eroplano. Hehe...so pinoy talaga. Ako sabi ko kumuha lang ako ng souvenir ng knife, spoon, fork at blanket every airplane na sinakyan namin (Wehh di nga, souvenir talaga ha?!?) Ito ang malupit, nagtanong ang isang group mate namin, ang maarteng sabi nya "Guys, san kaya pwedeng iinit yung food ko?" Sabi naman namin, "anong food? Kumuha ka ba sa Dining Area kanina?" Sabi naman nya "hindi, ito ang ipapainit ko" Kinuha ang bag at dinukot ang complete set ng meal namin sa eroplano. When I said COMPLETE, as in kumpleto talaga pati mga tray, cup, saucer, spoon, fork, tissue, etc. Nagkatinginan nga kami at parang nag-usap ang mga aming mata. Maya maya pa ay umalingawngaw sa room na iyon ang malakas naming tawanan. After some chit-chat punta na kami sa hotel rooms namin para makapagpahinga na.

I5.jpgThis is the meal set on the plane
I8.jpgThis Shalom Jerusalem Hotel, our home in Israel

Next day, gumising ako ng 5:30 am dahil 2 kami sa room na gagamit ng CR at 6:30 ang breakfast sa hotel. Pagbaba sa banquet hall for the breakfast ang bumulaga sa amin ay napakaraming mga yogurt, hams, sausage, fruits, tinapay, ang dami talaga. Parang bibitayin kami sa dami ng nakahain sa mesa. 6:30 nagstart magserve ng breakfast natapos kami around 7:45 na yata (Sinulit talaga namin at nagbaon na kami sa mga tiyan namin para di agad magutom...hehehe..). 8am ng umalis kami sa hotel for the whole day tour of the city of Galilee.

I16.jpgSumptuous Breakfast

Sa byahe sabi ng tour guide namin traffic daw sa city kapag ganun kaaga. So kami naman deadma lang dahil sanay naman tayo sa Pinas sa traffic e. Nung napahinto kami sa isang kalye, siguro mga 10 na sasakyan ang nakapila sabi ng tour guide namin this is traffic in Israel. HA? Traffic na sa kanila to. Nagkatawanan kami sa bus at sabi ng isang kasama namin wala pala traffic nyo sa traffic ng Maynila e.

Sea of Galilee, Capernaum, House of St. Peter, Mount of Beatitudes, Site ng Multiplication of Bread ang ilan sa pinuntahan namin that day. Nung lunch time namin, sabi ng tour guide "How many of you know St. Peters Fish?" Ako no idea at all talaga kung ano hitsura nun. Ang alam ko lang yun yung isda ng nahuli ni St. Peter na may coin sa bibig. Eniweiz, sabi ng tour guide namin, "We will eat St. Peter's Fish for Lunch." Pumarada ang bus namin sa isang restaurant na hindi ko maintindihan ang name dahil nakasulat in Hebrew/Aramaic. Pagpasok namin sa loob mukhang sosyal talaga. But wait ang presyo sosyal din...$11 per meal...Hah?!? Mahal para sa amin ang ganung food. Sabi ko sa isang kasama namin "Te ano sibat tayo dito." Sabi niya "Oo nga ang mahal ng menu."

I11.jpgThis Capernaum, the town of Jesus
I12.jpgRuins of the Ancient Synagogue
I13.jpgRuins of the House of St. PeterI15.jpgMarker commemorating the place of the Multiplication of Bread

Lumabas kami ng restaurant at humanap ng medyo mura. Di naman kami nabigo, nakakita kami ng isang restaurant na me $4 meal (Hotdog, Salad, Rice). So dun kami kumain ng lunch. Pagkatapos naming kumain sabi ko sa kasama ko "Bukas magbaon na lang tayo." Sabi nya "Oo nga kuha na lang tayo sa breakfast natin dahil baka di tayo umabot sa Rome."

I9.jpgThis is the St. Peter's Fish Menu (Parant Tiliapia lang di ba?)

After lunch we went to Galilee to have a boat ride. Wow, di ko maexplain ang experience. Dati sa bible ko lang naririnig ang mga ito now andito ako mismo sa Sea of Galilee the famous sea/river kung saan muntik ng lumubog si St. Peter sa kagustuhan nyang makalapit kay Jesus ng naglalakad sa tubig. Dito rin sinabi ni Jesus sa mga apostoles nya na sila ay gagawing nyang mga "Fishers of Men."

I10.jpgA relaxing boat ride at the Sea of Galilee

After that boat ride we had a mass on the site where the Sermount of the Mount happened. "Blessed are the poor...Blessed are the lowly" Remember those lines from the Beatitudes also known as the Sermon at the Mount. Again, another moving experience for me.

I18.jpgThe Mount of Beatitudes (Sermon at the Mount)

After the mass, balik na kami sa hotel for dinner. That night parang my isang piyestang bayan talaga sa dami ng chibog. Huh! May beef, pork, fish, at lamb. Isang table for appetizer and another for desserts. First time ko makakain ng lamb or karne ng tupa, masarap pala kaso parang mainit sa pakiramdam. Sobrang busog namin at para matagtag ang kinain namin nag-night swimming kami. Feeling yaman yaman kami talaga..parang ayoko nang matapos ang tour na ito.

I17.jpgMy first Lamb chop experience...

Pagdating namin ng kani-kaniyang rooms namin mabilis akong nagprepare sa pagtulog dahil sobrang pagod din pala pero sobrang saya. Kailangan kong magpahinga para sa panibagong paglalakbay bukas. Thank you Lord for this day!

Posted by drahcir07 12:47 Comments (3)

Walang Hanggang Pasasalamat

02.18.2010

Last February 18, 2010 my Mom celebrated her 50th Birthday. Sayang nga dahil ang plano sana naming ibigay na regalo is to tour her to Thailand, kaso nagkaproblema naman sya sa pagkuha ng passport.

So Plan B kami, ito ay ipaghanda talaga si Mama na parang debutant. Complete with Roses, Candles, Wishes, Symbolic Gifts, etc. Sabi ko todo na namin ang celebration.

1m1.jpg

December na when I started planning for the event. Almost 2 months na lang yata before the Big Day. So I exerted all my effort to make the celebration special. Buti na lang I have friends who offered their help for the celebration. Merong nagvolunteer to confirm guests, make the AV Presentation, Emcee, etc. Buti na lang yung brother ni Mama may catering business kaya kahit papaano naka discount kami.

January nakapagpareserve kami ng venue, yung Gazeebo sa Caloocan City Hall. Sobrang contented ako sa venue dahil bukod sa spacious maganda at mahangin dahil may garden. So akala ko all is ok na. Pero last week ng January ang sabi hindi daw pwedeng gamitin ang gazeebo dahil gagamitin sa activity ng Mayor's Office (so me laban ba ko nun...). After that, sobrang nakakapagod talaga ang maghanap ng alternative na venue. I checked restaurants, gardens, and some function halls but none of them ang napili ko. Until nakita ko yung Gee Bee Party Suite.

Pagkakitang pagkakita ko ng venue na yun, I asked dun sa caretaker "Saan ako magdodown for reservation." So to cut the long story short, yun na ang final venue ng party ni Mama.

Kinailangan ko nga na magleave sa office for a week para sa mga last minute preparations. Ginawa ko yung souvenirs, naglayout kami ng tarpaulin, order ng cake, practice ng sayaw, kinausap yung emcee etc.

Dumating ang Big Day ni Mama. Kitang kita ko kung gaano kasaya ang Mama ko nung araw na yun. Sabi nya nga, kung kelan daw sya tumanda dun pa sya nagdebut. Andun halos lahat ng mga kamag-anak namin at mga malalapit na kaibigan ni Mama.

9m2.jpgThe Catering
7m4.jpgThe Debutant
1m5.jpg

Ang naging theme ng celebration ay "WALANG HANGGANG PASASALAMAT" ito ang title na naisip ko para sa tulang ginawa ko para sa mama ko at gusto ko din syang i-share sa inyo:

WALANG HANGGANG PASASALAMAT

SA MUNDONG IBABAW IKAW ANG SA AMIN AY NAGLUWAL
KAMI'Y DINALA NG SIYAM NA BUWAN SA IYONG SINAPUPUNAN
KAMI'Y INARUGA MO AT BINUSOG SA MGA PANGARAL
NG SA GAYO'Y MAGING HANDA KAMI SA ANUMANG HAMON NG BUHAY

SA MGA UNANG HAKBANG NAMIN IKAW ANG TINATANAW
MGA BISIG MO NG SA AMIN AY NAGHIHINTAY
SA UNANG PAGBIGKAS NAMIN NG "MAMA"
NADAMA MO ANG KALIGAYAHANG WALANG KAPANTAY

KAMI'Y INIHANDA MO SA AMING PAG-AARAL
HINDI ALINTANA ANG HIRAP NG ATING BUHAY
LAGING SINASABING PAG-AARAL NAMI'Y TALAGANG IGAGAPANG
SAPAGKAT ITO ANG PAMANANG SA AMI'Y HINDI MANANAKAW

NAGING TINDERA, ALAHERA, AT KUNG ANU ANO PA
KOMIKS, FISHBALLS, ALAHAS, AT MERYENDA
ILAN LAMANG YAN SA MGA NAGING RAKET NI MAMA
NG SA GAYON AY MAKATULONG SA KINIKITA NI PAPA

MARAMING PAGSUBOK ANG PINAGDAANAN NG AMING PAMILYA
NGUNIT NANATILING MATATAG AT MATIBAY SI MAMA
SANDATA NIYANG LAGI KANIYANG PANANAMPALATAYA
IKA NGA NI SANTINO "MAY BUKAS PA"

KAYA NAMAN KAMI AY NAGSUNOG NG AMING MGA KILAY
AT NAG-ARAL NG LEKSYON SA PAARALAN
ANO PA NGA BA ANG KINAHITNATNAN...
HETO KAMI'T NAKAPAGTAPOS NA NG AMING PAG-AARAL

MAMA IKAW AY AMING MAHAL NA MAHAL
MGA SAKRIPISYO AT PAGHIHIRAP NA IYONG PINAGDAANAN
AY HINDI KAYANG TUMBASAN NG KAHIT ANUMAN
KAYA NGA "WALANG HANGGANG PASASALAMAT ANG SA IYO'Y ALAY

SALAMAT MAMA SA IYONG PAGSUBAYBAY
SA BUHAY NA KALOOB SA AMIN NG MAYKAPAL
SALAMAT SA DIYOS DAHIL IKAW SA AMIN AY IBINIGAY
IKAW ANG "THE BEST MAMA" DITO SA MUNDONG IBABAW

Kumpleto rekados ang debut ni Mama. Me sumayaw, kumanta, nagbasa ng sulat, tumula, umiyak, etc. Sa pagtatapos ng gabi ng nagpasalamat na si Mama, para syang nanalo ng Award sa FAMAS. Alam namin na sobrang saya niya nung araw na iyon.

5m3.jpgWE LOVE YOU MA!

Alam namin na kahit sa munting paraang naisip namin ay napasaya namin si Mama. Hindi man ito sapat, alam namin kahit papaano ay naipaalam namin sa kanya ang aming "walang hanggang pasasalamat" sa kanya. We love you Mama!!!

Posted by drahcir07 12:40 Comments (1)

Suntok sa Buwan

Lakbay ng Pag-asa

Noong bata pa ako (ayaw kong sabihing nung maliit pa ako dahil alam ko naman na kaunti lang ang inilaki ko) everytime I will see an airplane, sinasabi ko lagi sa sarili ko "makakasakay din ako dyan.

Year 1999, the Catholic Church celebrated the Great Jubilee Year 2000. All Youth Leaders of the Church were invited to participate in this great event. Ako the moment I received the invitation from the National Commission on Youth, napaisip ako agad, sasama ba ako??? Binuksan ko ang nakaluping sulat sa loob ng puting sobre. Unti unti kong binuksan ito animo'y nanalong tiket sa lotto. Kamuntik na kong mahimatay sa nakita ko.

Sa pagbukas ko sa sulat bumungad agad sa aking ang halaga ng "tour package" para sa World Youth Day 2000 na ang venue ay sa Rome, Italy. Hanep, tama ba itong nabasa ko, World Youth Day in Rome, Italy. Napaisip ako agad, naexcite ng sobra. This is it! Naalala ko ang sinasabi ko nung bata pa ako. Makakasakay na din ako ng eroplano. I feel so ecstatic that time. Pero bumulusok pababa ang excitement at energy ko ng makita ko ang amount na we need to raise for the event.

80,000 pesos lang naman (way back 1999)..WOW! Napatingin ako sa langit, sabi ko na lang "Lord Kaya ko ba 'to?" December '99 I started preparing for the activity. Meetings..fund-raisings...solicitations...and many more ways to gather the amount needed.

Lumipas ng mabilis ang araw di ko namalayan July na pala. I checked my funds, huh! ang meron pa lang ako para sa Visa Fee at Registration Fee (I think more or less 20k). Lalo pa akong kinabahan dahil tumawag na ang agency ang sabi ang tentative date ng alis ay first week ng august. Ha?!? ganung kabilis, 1 month na lang halos 60K pa kulang ko wala pang pocket money.

The month of July is very crucial to me. What is pressure and tension??? Yung mga kasama ko sa parish, instead na makatulong parang diniscourage pa ako (pero hindi naman lahat). Mas madami pa din ang tinulungan ako. I asked Bishop Bacani, sabi ko "Bishop, I would like to ask for assistance po sana baka you can endorse me to some of the organizations na kilala nyo para makapagsolicit po ako for World Youth Day" (pakiramdam ko nun wala na akong pakiramdam...ang gulo ba? In short, ang kapal na ng mukha ko nun. As always, the very generous and kind bishop said "Ok Richard no problem, see me in Bishop's Office tom" Yes!!!

Mid-July na yung mga friends ni Bishop Bacani helped me. I was able to raise din mga 20K din yata yun. 40K na lang ang kulang ko. (NA LANG?? SURE KA HA) Isang co-worker ko sa church ang nilapitan ko na dating City Adminstrator ng Caloocan City. He said to me "Ok I will call Cong. Asistio para pagpunta mo dun bukas alam na nya." Wow ang lakas ng backer ko.

The following day punta ako sa office ng Congressman namin sa Caloocan. Ininterview ako (sobrang kabado ako talaga, that is the first time I had a talk with Gov't Officials at di lang basta ha Congressman pa) ni Cong. Asistio. At the last part ng usapan namin, nadinig ko yung pinakaantay kong salita ni Sir. "Magkano pa ba ang kulang mo" nahiya naman at feeling ko ang Kapal ng mukha ko kung papasagot ko lahat sa kanya, kaya sabi ko "Mga thirty thousand pa po sir." Me tinawagan sandali sa cellular phone pagkatapos "Ok Sige bukas kuhanin mo sa sec ko" After that Cong. Asistion signed the letter at nilagay ang 30K sa sulat.

Naku, 1 week na lang 10k pa ang kulang ko then ala pa akong pocket money. That time 2nd day ako ng novena ko sa Black Nazarene ng Quiapo. On the 4th day of the novena, isang kasama pa namin ang tumawag sa akin, sasamahan daw nya ako ke Mayor Malonzo. Punta agad ako sa City Hall, pagdating sa Mayor's Office, pinatuloy kami agad ng secretary dahil kilala nya yung kasama ko at sabi "wait lang me kausap lang sandali si Mayor" Maya-maya pa pinapasok na kami sa office ni Mayor. As usual usap, interview, tanong, at kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Sa katapusan ng usapan ang sabi ni Mayor "Pasensya ka na ha ito lang ang maitutulong ko" nalungkot tuloy ako baka kung magkano lang din (pero kahit na any amount will do, ok na din). Iniabot sa amin ang sobreng brown. Paglabas ng office ng tingnan ko ang sobre 10k pala ang laman nito. Grabe...naamoy ko na tuloy ang byahe ko sa WORLD YOUTH DAY.

But wait, naisip ko na ang sobra na lang sa pera ko if ever mabayaran ko ang whole package, 500 pesos na lang yata. So, paano ako pagdating ko ng Italy? A week before ng departure ala pa ding linaw ang pocket money ko pero bahala na si Lord.

Pagpunta ko sa agency for the ticket and itinerary, again, God surprised me. Pagkaabot ng ticket sa amin, sabi ng group head namin na me side tour kami sa Israel for 1 week kaya ganun kamahal ung tour namin. "Lord Tama ba ang Dinig ko? Israel Daw?" Tama nga pala ang dinig ko 1 week kami sa Israel and 2 weeks sa Rome.

Sobrang naexcite na ako talaga. Hindi na ko masyadong nakakatulog dahil sa sobrang pagka-ATAT ko sa pilgrimage na ito kahit pa ang pera ko na lang ay 500. Hahaha 500 pesos=$12 pocket money. 3 days before the departure, pinatawag ako ng isang friend ko sa church (yung tumulong sa akin ke Cong, naalalala nyo pa?), iniabot nya sa akin yung sobre. Sabi nya "sensya na 200 pesos lang kaya ko ibigay." Sabi ko naman "Ok lang po yun, ang laking tulong na nga po nung ke Cong e." Pagdating ko sa bahay laking gulat ko $200 pala ang laman ng sobre.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Sa wakas ang bagay na akala kong "SUNTOK SA BUWAN" ay nagkatotoo. Sa halip ito ay naging isang "Lakbay Pag-asa." Ang bagay na akala kong imposible ay naging abot-kamay dahil sa tulong at awa ng Diyos.

PS:
Sa susunod na yung kwento about sa byahe namin sa Israel at Italy.

Posted by drahcir07 12:28 Comments (0)

Hay Buhay! Wow Buhay!

(Gameshow ng Buhay Ko...)

all seasons in one day 36 °C

Uhaaa!!!! I clearly remember that very day that I was given this wonderful gift by God. Narinig ko ang sabi ng doktor na nagpaanak sa Mama ko sabi nya "Ang cute ng Anak nyo Misis" (walang aangal blog ko to....lolz). Nung itinabi ako sa Nanay ko at Masaya akong kinarga ni Tatay nadinig ko ang tibok ng puso nila....pabilis ng pabilis...ang sabi ay "Our precious Son..."

Hindi natapos sa Operating Room ang kwento. Dalawang taon ang lumipas isang Uhaa ulit ang narinig sa Operating Room. Yahoo!!!! me kapatid na ako! Hindi naging madali ang buhay para sa amin. Like any other, namuhunan ng dugo't pawis ang mga magulang namin para matustusan ang mga pangagailangan namin. Ang Papa ko sa City Hall lang nagwowork that's why his income is not enough to feed us. That's why our Mom looked for other ways to help our father. Sobrang sipag nila..nakakabilib talaga. Sa maghapon, kahit pagod sa trabaho, kahit panay sabi nila ng Hay Buhay (ang lalim ng pinaghuhugutan) kapag pinasaluhan na namin ang payak ng pagkain na nasa hapag maiisip at masasabi pa ding WOW Buhay! Thank you Lord for this great day!

Mabilis na lumipas ang panahon. My brother and I finished our studies. Syempre during the school days lagi na lang HAY BUHAY ang sambit namin dahil sa sobrang dami ng projects, homeworks, at kung anu-ano pa. Pero hindi natatapos sa hay buhay ang pag-aaral. Ang sarap ng pakiramdam nung tinawag ang name ko sa stage ng PICC, hindi maipaliwanag ang nararamdam kong kaligayahan. Ng lingunin ko sina Mama at Papa, mas may masaya pa pala sa akin at sila yun...WOW BUHAY!

Sa ngayon, my brother and I are now working. Both of us are struggling to reach our dreams and aspirations in life. Si Roy ay isa ng Supervisor sa isang Bar sa Makati. Ako naman, habang inaantay namin ni Ailene (my wife, i will tell you more about her sa mga susunod kong kwento) na magrant ung petition for Family Reunification, work muna ko dito sa Makati as Data Analyst. Sayang din kasi.

Ang bawat isa sa atin ay patuloy na lumalaban at nakikibaka sa buhay. Sabi nga nila, "Life is a constant struggle." Pero, isa lang ang tiyak para sa 'kin, marami mang dumating na HAY BUHAY sa atin...at the end of the day, masasabi nating WOW na WOW ang buhay.

Posted by drahcir07 12:03 Archived in Philippines Tagged events Comments (0)

(Entries 26 - 29 of 29) Previous « Page 1 2 3 4 5 [6]